Pinoy ay tumutukoy sa Filipino (subject), Pilipino (tao) at Lipunang Pilipino bakit spelled sabjek at hindi subject at hindi rin asignatura? Ibinatay sa Tiyak na Tuntunin sa Paggamit ng Walong (8) Dagdag na Letra. Ang salitang subject ay Ingles, ang asignatura ay Tagalog. Ang katumbas ng salitang Ingles na subject sa wikang Filipino ay sabjek.
Linggo, Hulyo 14, 2013
Hindi porke mahirap ka masama ka
kung hindi dahil sa kanila may kaya ka
Huwag kang gumawa ng masama
Sapagkat alam mo na ang mali sa tama
Huwag kang magpapasilaw sa mga ginto at pilak
Upang hindi masira ang iyong utak
Dahilan para makagawa ka ng masama at hindi
paniwalaaan ang tama
Huwag mong panindigan ang iyong katayuan
Sapagkat ang iyong katuwaan ay kaya silang pantayan
Hindi mo kukutyain ang iyong kapwa kung maka-Diyos kang talaga
Di mo na nga dapat ginawa ipinagmamalaki mo pa
Hindi mo kailangang makipagpaligsahan
Kung nakuha mo na ang iyong kailangan
Mag share ka naman sa nangangailangan
'Pre please lang huwag kang gahaman
Lordjim Tenedero ng IV- Talisay, SDP #3 PANAMBITAN
Miyerkules, Hulyo 10, 2013
Canao - Teoryang Formalismo
IV - Science Class (2013-2014)
Sulating di-Pormal #3
" Canao ang seremonyang magtataboy sa masamang kapalaran", ito ay ayon sa matatandang tagapayo sa Kalinga Apayao, dapat itong isagawa sakaling makasalubong ng uwak o anupamang hudyat ng masmaang pangitain o malas.
Sa seremonyang ito, ang mga binata ay nanghuhuli ng baboy upang ialay sa kanilang dakilang bathala na si Kabunian, samantalang ang mga dalaga naman ay naghahanda ng bigas na isasaing sa alak at mga inumin para sa pagdiriwang.
Tunog ng gansa kasabay ng pag-awit ng ay-yeng ng mga dalaga ang hudyat para simulan ang seremonya. Pagkagat ng dilim ay sisindihan na ang bunton ng mga kahoy at dayami sa bakuran habang umaawit ang mga binata at dalaga at nagdarasal naman ang mga matatandang namumuno sa seremonya.
Pagkatapos ng panalangin ay pinapatay ang baboy, nililinisan at dinadala sa loob ng bahay. Binubuksan ang tiyan upang hanapin ang apdo, sakaling ito ay nakatayo at nakalabas, nangangahulugan lang na pinagbigyan ng bathala ang kanilang kahilingan na magkaroon ng mabuting kapalaran.
Sa pagtatapos ng seremonya ay naghahanda ang lahat para sa piging, isang platong kanin at karne ang ilalagay sa chisig,naniniwala silang makikisalo ang mga espiritu. Nagkakaroon ng awitanat kasiyahan na tumatagal hanggang kinabukasan.
Ginagawa ang seremonya ng Canao upang itaboy ang malas at mapalitan ng magandang kapalaran.
Martes, Hulyo 9, 2013
SURING BASA 2
(IV- Talisay 2013-2014)
I- Pamagat: LUHA
Genre: Tula
Awtor: Rufino Alejandro
II-BUOD
Noong bata pa lamang ang lalaki ay binilinan siya ng kanyang Ama’t Ina na mag-ingat sa mga desisyon sa buhay at iwasan ang mga bagay na makakasama sa kanya. Nang magkaroon ng tamang pag-iisip ang lalaki ay hindi nya naala ang paalala sa kanya ng kanyang magulang. Nagpakasaya ang lalaki sa mga bagay na hindi nya na ito ang magiging dahilan ng pagkasira ng kanyang buhay. Kaya sa kanyang paglaki siya ay naging salot ng lipunan at doon niya napagtanto na mali ang kanyang ginawa na hindi sa lahat ng nakapagpapasaya ay mabuti.
III-PAKSA
Ang paksa ng tula ay tungkol sa isnag anak na napariwara ang kanyang landas dahil sa hindi nya pagsunod sa kanyang magulang
IV-BISA
a) ISIP- Natanto ko ang sobrang pagsisisi ng awtor kaya’t aking napagisip-isip na kailangan talaga nating baunin at pahalagahan ang mga aral na sinasabi ng ating magulang dahil ito ang magagamit natin sa pagtahak ng tamang landas at upang d rin tayo magsisi sa huli.
b)DAMDAMIN- Nakaramdam ako ng pagkalungkot dahil sa sinapit ng tauhan sa kwento. Nalulungkot ako dahil sa sinapit ng tauhan sa kwento. Sapagkat sinapit niya ang karansang di maganda. Nakaramdam din ako ng kagalakan dahil ang lalaki ay nagsisi at iniwan ang gawaing masama.
Aking naramdaman ang sobrang kasiyahan sapagkat sa halip na ipagpatuloy niya ang pagtahak sa maling landas ay bukas sa kanyang puso na ito ay pagsisihan matupad lamang ang hangarin ng kanyang magulang sa kanyang sarili
V-TEORYANG GINAMIT
REALISMO
Dahil ang bawat kabataan ngayon sa edad na 15-16 ay marunong ng gawin ang mga bagay na magdudulot ng kasamaan sa kanya. At totoo din na ang magulang ay di nagkulang sa pagpapaalala kung ano ang nararapat at makakabuti sa kanyang anak kapag ito ay nasa tamang pag-iisip na.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)