Pinoy ay tumutukoy sa Filipino (subject), Pilipino (tao) at Lipunang Pilipino bakit spelled sabjek at hindi subject at hindi rin asignatura? Ibinatay sa Tiyak na Tuntunin sa Paggamit ng Walong (8) Dagdag na Letra. Ang salitang subject ay Ingles, ang asignatura ay Tagalog. Ang katumbas ng salitang Ingles na subject sa wikang Filipino ay sabjek.
Martes, Hulyo 9, 2013
SURING BASA 2
(IV- Talisay 2013-2014)
I- Pamagat: LUHA
Genre: Tula
Awtor: Rufino Alejandro
II-BUOD
Noong bata pa lamang ang lalaki ay binilinan siya ng kanyang Ama’t Ina na mag-ingat sa mga desisyon sa buhay at iwasan ang mga bagay na makakasama sa kanya. Nang magkaroon ng tamang pag-iisip ang lalaki ay hindi nya naala ang paalala sa kanya ng kanyang magulang. Nagpakasaya ang lalaki sa mga bagay na hindi nya na ito ang magiging dahilan ng pagkasira ng kanyang buhay. Kaya sa kanyang paglaki siya ay naging salot ng lipunan at doon niya napagtanto na mali ang kanyang ginawa na hindi sa lahat ng nakapagpapasaya ay mabuti.
III-PAKSA
Ang paksa ng tula ay tungkol sa isnag anak na napariwara ang kanyang landas dahil sa hindi nya pagsunod sa kanyang magulang
IV-BISA
a) ISIP- Natanto ko ang sobrang pagsisisi ng awtor kaya’t aking napagisip-isip na kailangan talaga nating baunin at pahalagahan ang mga aral na sinasabi ng ating magulang dahil ito ang magagamit natin sa pagtahak ng tamang landas at upang d rin tayo magsisi sa huli.
b)DAMDAMIN- Nakaramdam ako ng pagkalungkot dahil sa sinapit ng tauhan sa kwento. Nalulungkot ako dahil sa sinapit ng tauhan sa kwento. Sapagkat sinapit niya ang karansang di maganda. Nakaramdam din ako ng kagalakan dahil ang lalaki ay nagsisi at iniwan ang gawaing masama.
Aking naramdaman ang sobrang kasiyahan sapagkat sa halip na ipagpatuloy niya ang pagtahak sa maling landas ay bukas sa kanyang puso na ito ay pagsisihan matupad lamang ang hangarin ng kanyang magulang sa kanyang sarili
V-TEORYANG GINAMIT
REALISMO
Dahil ang bawat kabataan ngayon sa edad na 15-16 ay marunong ng gawin ang mga bagay na magdudulot ng kasamaan sa kanya. At totoo din na ang magulang ay di nagkulang sa pagpapaalala kung ano ang nararapat at makakabuti sa kanyang anak kapag ito ay nasa tamang pag-iisip na.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento