Pinoy ay tumutukoy sa Filipino (subject), Pilipino (tao) at Lipunang Pilipino bakit spelled sabjek at hindi subject at hindi rin asignatura? Ibinatay sa Tiyak na Tuntunin sa Paggamit ng Walong (8) Dagdag na Letra. Ang salitang subject ay Ingles, ang asignatura ay Tagalog. Ang katumbas ng salitang Ingles na subject sa wikang Filipino ay sabjek.
Miyerkules, Hulyo 10, 2013
Canao - Teoryang Formalismo
IV - Science Class (2013-2014)
Sulating di-Pormal #3
" Canao ang seremonyang magtataboy sa masamang kapalaran", ito ay ayon sa matatandang tagapayo sa Kalinga Apayao, dapat itong isagawa sakaling makasalubong ng uwak o anupamang hudyat ng masmaang pangitain o malas.
Sa seremonyang ito, ang mga binata ay nanghuhuli ng baboy upang ialay sa kanilang dakilang bathala na si Kabunian, samantalang ang mga dalaga naman ay naghahanda ng bigas na isasaing sa alak at mga inumin para sa pagdiriwang.
Tunog ng gansa kasabay ng pag-awit ng ay-yeng ng mga dalaga ang hudyat para simulan ang seremonya. Pagkagat ng dilim ay sisindihan na ang bunton ng mga kahoy at dayami sa bakuran habang umaawit ang mga binata at dalaga at nagdarasal naman ang mga matatandang namumuno sa seremonya.
Pagkatapos ng panalangin ay pinapatay ang baboy, nililinisan at dinadala sa loob ng bahay. Binubuksan ang tiyan upang hanapin ang apdo, sakaling ito ay nakatayo at nakalabas, nangangahulugan lang na pinagbigyan ng bathala ang kanilang kahilingan na magkaroon ng mabuting kapalaran.
Sa pagtatapos ng seremonya ay naghahanda ang lahat para sa piging, isang platong kanin at karne ang ilalagay sa chisig,naniniwala silang makikisalo ang mga espiritu. Nagkakaroon ng awitanat kasiyahan na tumatagal hanggang kinabukasan.
Ginagawa ang seremonya ng Canao upang itaboy ang malas at mapalitan ng magandang kapalaran.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento