Lunes, Hunyo 10, 2013

Sagot sa Suring-Basa # 1 Suring – Basa I. Pamagat, genre at awtor May Buhay sa Karagatan, Maikling Kuwento, Clemente Bautista II. Buod Nagalit ang ama at nasampal ang anak ng sabihin nito na ayaw na niyang mag-aral at gustong sumama na lang sa pangingisda. Naalala ng ama yung panahon na ganun din siya sa sarili niyang magulang dahil sa naakit siya sa tawag ng dagat, at hindi siya napigilan ng sariling magulang. Naging mangingisda siya at yun ang pinangbuhay niya sa kanyang pamilya. Bumalik sa dagat ang ama para mangisda, doon ipnakita ang lahat ng hirap na dinadanas sa trabahong yon. Lakas, pawis , pagod, pagtitiis ang puhunan. Sa huli, sinabi ng ina na kaya wala sa hapag ang anak at hindi makakasabay sa umagahan ay dahil sa napuyat sa pag-aaral noong nakaraang gabi. Natuwa na at nakahinga ng maluwag ang ama. (Hindi direktang sinabi ng awtor na nagbago ng isip ang anak mula sa pangarap na maging mangingisda kaysa ang pag-aaral, pahiwatig ang ginamit ng awtor para sabihin ito , tulog pa dahil napuyat sa pag-aaral kagabi ,pahiwatig din ang ginamit para sabihing natuwa o nasiyahan na ang ama sa wakas ng kuwento, nakahinga ng maluwag. III. Paksa Tungkol sa isang ama na ayaw maulit sa kanyang anak ang hindi pagtatapos ng pag-aaral dahil naniniwala na Edukasyon ang magbibigay ng mas matibay na bukas, base sa kanyang sariling karanasan sa buhay. IV. Bisa a. Isip Pangarap ng kahit sinong magulang na makapagtapos ng kurso ang anak, ayaw nilang maranasan ng kanilang anak ang hirap na dinadanas nila. Ang paghihigpit ng magulang sa anak ay para din sa kanyang magandang kinabukasan. Hindi masama ang pangingisda/ o iba pang trabaho na ginagamitan ng mas lakas kaysa utak/ edukasyon ngunit ang nakatapos ng pag-aaral ang magbibigay ng mas matibay na kinabukasan (base na rin sa sariling karanasan ng ama sa kuwento). May mga anak na dahil sa kahirapan sa buhay, pinipiling magtrabaho para makatulong sa magulang, magaling ang mga magulang na hindi pinapayagan ang anak bagkus itinutulak sa pag-aaral. Hindi lahat ng hilig ng anak lalo na at hindi tungkol sa pag-aaral ay dapat pagbigyan ng magulang. b. Damdamin Nakakalungkot para sa isang magulang na malamang walang interes ang anak sa pag-aaral. V. Teorya Realismo. Ang nangyari sa anak sa teksto, ang kawalan ng interes sa pag-aaral at kagustuhang kumita agad agad ng pera at huwag ng mag-aral ay totoong nangyayari pa rin sa maraming kabataan sa kasalukuyan dahil sa kahirapan. Kaya naman hindi nagkakaroon ng mas matibay na bukas ang maraming kabataan.

Martes, Hunyo 4, 2013

Paano Gumawa ng Suring-Basa

Suring- Basa Pagsusuri o rebyu ng binasang teksto. Ang teksto ay puwedeng maikling kuwento, tula, sanaysay o iba pang genre/uri ng panitikan. Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content), kahalagahan (importance), puwede ding isama ang estilo ng awtor o may-akda (author’s writing style ). Para maisagawa ito, puwedeng gumamit ng isang balangkas o format ng suring- basa tulad ng mga sumusunod: I. Pamagat, may-akda, genre,II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela),III. Paksa IV. Bisa (sa isip, sa damdamin) V. Mensahe VI. Teoryang Ginamit Ang buod ay puwedeng sabihin sa lima-anim na mahahalagang pangungusap (lalo na kung maikling kuwento). Matapos basahin ang teksto, isa-isahing balikan ang mahahalagang pangyayari, pagdugtung-dugtungin ito at mabubuo ang buod. Kung pelikula o kaya naman maikling kuwento, magsimula sa pangunahing tauhan at sabihin ang mahahalagang nangyari sa kanya mula simula hanggang wakas at mabubuo ang buod. Paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa? Bisa at tumutukoy sa effect o epekto ng teksto sa mambabasa o pwede ding sagutin ang tanong na how does the text affect the reader? (effect and how does it affect the reader) Ang una ay tumutukoy sa impluwensya ng teksto sa mambasbasa ang pangalawa ay paano natigatig ang damdamin at isip ng mambabasa. Bisa sa isip ay tumutukoy sa kung paano naimpluwensyahan ang pag-iisip/utak/ o paraan ng pag-iisip ng mambasasa , bias sa damdamin ay kung ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon ng mambabasa. Mensahe ay maaaring iba-iba depende sa paradigm ng mambabasa, tumutkoy ito sa kung ano ba ang gusting sabihin ng teksto sa mambabasa, o maaari ding gusting sabihin ng author o sumulat ng teksto, di nga ba authors implyand readers infer? Nagpapahiwatig ang author at hinihinuha naman ng mambabasa ang pahiwatig ng author. Mas madaling makukuha ang mensahe ng author kung ang mambabasa ay may malalim na pag-unawa sa literatura, ngunit kung may nakita pang ibang mensahe ang mambabasa, ok lang yun kasi depende nga sa kanya-kanyang paradigm ng tao, pero kadalasan may eksakto talagang mensahe na gusting iparating ang author sa kanyang tekstong isinulat, minsan kailangan talaga ng galling sa pagbabasa at paghihinuha para makuha ito, kung hindi naman makuha ng mga mag-aaral, isama na lang guro kapag nag- facilitate na siya. Madaming teoryang pampanitikan, minsan ang isang teksto gumagamit ng higit sa isa, ang mahalaga ay ang higit na mas lutang . Iyon ang hanapin. Halimbawa kung mas bingyang diin ang tungkol sa pagiging marangal ng tauhan, humanismo. Naturalismo kung pinahahatid ng author sa pamamagitan ng mga pangyayari sa buhay ng tauhan na ang kapalaran ay bunga ng kultura at heredity at hindi sa pamamagitan ng kanyang sariling pagpili o will. Eksistensyalismo kung ipinakita at mas lumutang na ang naganap sa buhay ng tauhan, mga pangyayari ay bunga ng kanyang sariling pagpili dahil naniniwala siya na ang isa dahilan ng existence ng tao sa mundo at hubugin ang sarili niyang kapalaran whatever it takes. Mahalagang makapagbigay ng maraming halimbawa ang guro para mas malawak ang scope ng pagtalakay. Kapag naibigay na ang format na ito, maaari nang gamitin sa loob ng isang taon. Puwede ding gumamit ng iba pang format depende sa estilo ng guro basta ang mahalaga mahimay ang content, importance ng teksto at, estilo ng author sa pagsulat. Sa teoryang ginamit madalas nakikita din ang importance o value ng literature sa lipunan o society lalo na kung ang teksto ay nasulat sa isang mahalagang panahon n gating kasaysayan.

Lunes, Hunyo 3, 2013

Teacher’s Reflection The Powerful Teacher “I’ve come to a frightening conclusion that I am the decisive element in the classroom. It’s my personal approach that creates the climate. It’s my daily mood that makes the weather. As a teacher, I possess a tremendous power to make a child’s life miserable or joyous. I can be a tool of torture or an instrument of inspiration. I can humiliate or humor, hurt or heal. In all situations it is my response that decides whether a crisi will be escalated or de-escalated and a child humanized or de-humanized.” Haim Ginott If I were to begin my college course again, I would still choose to get into the same profession, Even if a lot of people see this job as burdensome, even if I myself can attest that this job does not pay a lot, I still see teaching as a fulfilling ,enjoyable and a noble profession. I have been in this profession for more than ten years now and until today, the concern for the society and the enthusiasm in nurturing the hearts and minds of the students have always been my motivation and I guess that’s one of the beauty of teaching profession. Every school year brings a new and different experience, I find inspiration from my students whenever I see them participate actively in my class, getting involved in different group activities I prepared, or even just listening attentively to a class lecture, or exerting effort to submit a nice project. What motivates me to prepare lessons for the next day is the fun and excitement as we go along the lesson. I take time to prepare my questions and activities, I choose those that will capture their interest and imagination so that they can talk a lot about the topic. At times I decide on activities that will touch their lives and personal experience so that they will start sharing about themselves. At the end of every day, though tired, Im thankful and felt so blessed for God led me to a profession that helps me achieve my life’s purpose, to be of service of today’s youth who will eventually become responsible adult citizens of this society, and with that ,I can conclude that teaching really is one if not the noblest profession ever. I believe that a teacher affects eternity, that I will never know how and until when my influence on each one of my student will last. I always make it a rule to myself to begin my day with prayers so that my work will not just end on the transmission of data and information but will involve imparting a most precious commodity, intangible yet affecting the very core of one’s being, the forming and training of soul in person whose minds and hearts have to conform to everlasting truth and undying love. On Wednesday, Feb 26, 2013 Tess P. Bacolcol