Lunes, Hunyo 10, 2013

Sagot sa Suring-Basa # 1 Suring – Basa I. Pamagat, genre at awtor May Buhay sa Karagatan, Maikling Kuwento, Clemente Bautista II. Buod Nagalit ang ama at nasampal ang anak ng sabihin nito na ayaw na niyang mag-aral at gustong sumama na lang sa pangingisda. Naalala ng ama yung panahon na ganun din siya sa sarili niyang magulang dahil sa naakit siya sa tawag ng dagat, at hindi siya napigilan ng sariling magulang. Naging mangingisda siya at yun ang pinangbuhay niya sa kanyang pamilya. Bumalik sa dagat ang ama para mangisda, doon ipnakita ang lahat ng hirap na dinadanas sa trabahong yon. Lakas, pawis , pagod, pagtitiis ang puhunan. Sa huli, sinabi ng ina na kaya wala sa hapag ang anak at hindi makakasabay sa umagahan ay dahil sa napuyat sa pag-aaral noong nakaraang gabi. Natuwa na at nakahinga ng maluwag ang ama. (Hindi direktang sinabi ng awtor na nagbago ng isip ang anak mula sa pangarap na maging mangingisda kaysa ang pag-aaral, pahiwatig ang ginamit ng awtor para sabihin ito , tulog pa dahil napuyat sa pag-aaral kagabi ,pahiwatig din ang ginamit para sabihing natuwa o nasiyahan na ang ama sa wakas ng kuwento, nakahinga ng maluwag. III. Paksa Tungkol sa isang ama na ayaw maulit sa kanyang anak ang hindi pagtatapos ng pag-aaral dahil naniniwala na Edukasyon ang magbibigay ng mas matibay na bukas, base sa kanyang sariling karanasan sa buhay. IV. Bisa a. Isip Pangarap ng kahit sinong magulang na makapagtapos ng kurso ang anak, ayaw nilang maranasan ng kanilang anak ang hirap na dinadanas nila. Ang paghihigpit ng magulang sa anak ay para din sa kanyang magandang kinabukasan. Hindi masama ang pangingisda/ o iba pang trabaho na ginagamitan ng mas lakas kaysa utak/ edukasyon ngunit ang nakatapos ng pag-aaral ang magbibigay ng mas matibay na kinabukasan (base na rin sa sariling karanasan ng ama sa kuwento). May mga anak na dahil sa kahirapan sa buhay, pinipiling magtrabaho para makatulong sa magulang, magaling ang mga magulang na hindi pinapayagan ang anak bagkus itinutulak sa pag-aaral. Hindi lahat ng hilig ng anak lalo na at hindi tungkol sa pag-aaral ay dapat pagbigyan ng magulang. b. Damdamin Nakakalungkot para sa isang magulang na malamang walang interes ang anak sa pag-aaral. V. Teorya Realismo. Ang nangyari sa anak sa teksto, ang kawalan ng interes sa pag-aaral at kagustuhang kumita agad agad ng pera at huwag ng mag-aral ay totoong nangyayari pa rin sa maraming kabataan sa kasalukuyan dahil sa kahirapan. Kaya naman hindi nagkakaroon ng mas matibay na bukas ang maraming kabataan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento