Pinoy ay tumutukoy sa Filipino (subject), Pilipino (tao) at Lipunang Pilipino bakit spelled sabjek at hindi subject at hindi rin asignatura? Ibinatay sa Tiyak na Tuntunin sa Paggamit ng Walong (8) Dagdag na Letra. Ang salitang subject ay Ingles, ang asignatura ay Tagalog. Ang katumbas ng salitang Ingles na subject sa wikang Filipino ay sabjek.
Martes, Hunyo 4, 2013
Paano Gumawa ng Suring-Basa
Suring- Basa
Pagsusuri o rebyu ng binasang teksto.
Ang teksto ay puwedeng maikling kuwento, tula, sanaysay o iba pang genre/uri ng panitikan.
Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content), kahalagahan (importance), puwede ding isama ang estilo ng awtor o may-akda (author’s writing style ).
Para maisagawa ito, puwedeng gumamit ng isang balangkas o format ng suring- basa tulad ng mga sumusunod: I. Pamagat, may-akda, genre,II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela),III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin) V. Mensahe
VI. Teoryang Ginamit
Ang buod ay puwedeng sabihin sa lima-anim na mahahalagang pangungusap (lalo na kung maikling kuwento). Matapos basahin ang teksto, isa-isahing balikan ang mahahalagang pangyayari, pagdugtung-dugtungin ito at mabubuo ang buod. Kung pelikula o kaya naman maikling kuwento, magsimula sa pangunahing tauhan at sabihin ang mahahalagang nangyari sa kanya mula simula hanggang wakas at mabubuo ang buod.
Paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa?
Bisa at tumutukoy sa effect o epekto ng teksto sa mambabasa o pwede ding sagutin ang tanong na how does the text affect the reader? (effect and how does it affect the reader) Ang una ay tumutukoy sa impluwensya ng teksto sa mambasbasa ang pangalawa ay paano natigatig ang damdamin at isip ng mambabasa. Bisa sa isip ay tumutukoy sa kung paano naimpluwensyahan ang pag-iisip/utak/ o paraan ng pag-iisip ng mambasasa , bias sa damdamin ay kung ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon ng mambabasa.
Mensahe ay maaaring iba-iba depende sa paradigm ng mambabasa, tumutkoy ito sa kung ano ba ang gusting sabihin ng teksto sa mambabasa, o maaari ding gusting sabihin ng author o sumulat ng teksto, di nga ba authors implyand readers infer? Nagpapahiwatig ang author at hinihinuha naman ng mambabasa ang pahiwatig ng author. Mas madaling makukuha ang mensahe ng author kung ang mambabasa ay may malalim na pag-unawa sa literatura, ngunit kung may nakita pang ibang mensahe ang mambabasa, ok lang yun kasi depende nga sa kanya-kanyang paradigm ng tao, pero kadalasan may eksakto talagang mensahe na gusting iparating ang author sa kanyang tekstong isinulat, minsan kailangan talaga ng galling sa pagbabasa at paghihinuha para makuha ito, kung hindi naman makuha ng mga mag-aaral, isama na lang guro kapag nag- facilitate na siya.
Madaming teoryang pampanitikan, minsan ang isang teksto gumagamit ng higit sa isa, ang mahalaga ay ang higit na mas lutang . Iyon ang hanapin. Halimbawa kung mas bingyang diin ang tungkol sa pagiging marangal ng tauhan, humanismo. Naturalismo kung pinahahatid ng author sa pamamagitan ng mga pangyayari sa buhay ng tauhan na ang kapalaran ay bunga ng kultura at heredity at hindi sa pamamagitan ng kanyang sariling pagpili o will. Eksistensyalismo kung ipinakita at mas lumutang na ang naganap sa buhay ng tauhan, mga pangyayari ay bunga ng kanyang sariling pagpili dahil naniniwala siya na ang isa dahilan ng existence ng tao sa mundo at hubugin ang sarili niyang kapalaran whatever it takes.
Mahalagang makapagbigay ng maraming halimbawa ang guro para mas malawak ang scope ng pagtalakay. Kapag naibigay na ang format na ito, maaari nang gamitin sa loob ng isang taon. Puwede ding gumamit ng iba pang format depende sa estilo ng guro basta ang mahalaga mahimay ang content, importance ng teksto at, estilo ng author sa pagsulat. Sa teoryang ginamit madalas nakikita din ang importance o value ng literature sa lipunan o society lalo na kung ang teksto ay nasulat sa isang mahalagang panahon n gating kasaysayan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento