Linggo, Hulyo 14, 2013

Hindi porke mahirap ka masama ka kung hindi dahil sa kanila may kaya ka Huwag kang gumawa ng masama Sapagkat alam mo na ang mali sa tama Huwag kang magpapasilaw sa mga ginto at pilak Upang hindi masira ang iyong utak Dahilan para makagawa ka ng masama at hindi paniwalaaan ang tama Huwag mong panindigan ang iyong katayuan Sapagkat ang iyong katuwaan ay kaya silang pantayan Hindi mo kukutyain ang iyong kapwa kung maka-Diyos kang talaga Di mo na nga dapat ginawa ipinagmamalaki mo pa Hindi mo kailangang makipagpaligsahan Kung nakuha mo na ang iyong kailangan Mag share ka naman sa nangangailangan 'Pre please lang huwag kang gahaman Lordjim Tenedero ng IV- Talisay, SDP #3 PANAMBITAN

Miyerkules, Hulyo 10, 2013

Canao - Teoryang Formalismo

IV - Science Class (2013-2014) Sulating di-Pormal #3 " Canao ang seremonyang magtataboy sa masamang kapalaran", ito ay ayon sa matatandang tagapayo sa Kalinga Apayao, dapat itong isagawa sakaling makasalubong ng uwak o anupamang hudyat ng masmaang pangitain o malas. Sa seremonyang ito, ang mga binata ay nanghuhuli ng baboy upang ialay sa kanilang dakilang bathala na si Kabunian, samantalang ang mga dalaga naman ay naghahanda ng bigas na isasaing sa alak at mga inumin para sa pagdiriwang. Tunog ng gansa kasabay ng pag-awit ng ay-yeng ng mga dalaga ang hudyat para simulan ang seremonya. Pagkagat ng dilim ay sisindihan na ang bunton ng mga kahoy at dayami sa bakuran habang umaawit ang mga binata at dalaga at nagdarasal naman ang mga matatandang namumuno sa seremonya. Pagkatapos ng panalangin ay pinapatay ang baboy, nililinisan at dinadala sa loob ng bahay. Binubuksan ang tiyan upang hanapin ang apdo, sakaling ito ay nakatayo at nakalabas, nangangahulugan lang na pinagbigyan ng bathala ang kanilang kahilingan na magkaroon ng mabuting kapalaran. Sa pagtatapos ng seremonya ay naghahanda ang lahat para sa piging, isang platong kanin at karne ang ilalagay sa chisig,naniniwala silang makikisalo ang mga espiritu. Nagkakaroon ng awitanat kasiyahan na tumatagal hanggang kinabukasan. Ginagawa ang seremonya ng Canao upang itaboy ang malas at mapalitan ng magandang kapalaran.

Martes, Hulyo 9, 2013

SURING BASA 2 (IV- Talisay 2013-2014) I- Pamagat: LUHA Genre: Tula Awtor: Rufino Alejandro II-BUOD Noong bata pa lamang ang lalaki ay binilinan siya ng kanyang Ama’t Ina na mag-ingat sa mga desisyon sa buhay at iwasan ang mga bagay na makakasama sa kanya. Nang magkaroon ng tamang pag-iisip ang lalaki ay hindi nya naala ang paalala sa kanya ng kanyang magulang. Nagpakasaya ang lalaki sa mga bagay na hindi nya na ito ang magiging dahilan ng pagkasira ng kanyang buhay. Kaya sa kanyang paglaki siya ay naging salot ng lipunan at doon niya napagtanto na mali ang kanyang ginawa na hindi sa lahat ng nakapagpapasaya ay mabuti. III-PAKSA Ang paksa ng tula ay tungkol sa isnag anak na napariwara ang kanyang landas dahil sa hindi nya pagsunod sa kanyang magulang IV-BISA a) ISIP- Natanto ko ang sobrang pagsisisi ng awtor kaya’t aking napagisip-isip na kailangan talaga nating baunin at pahalagahan ang mga aral na sinasabi ng ating magulang dahil ito ang magagamit natin sa pagtahak ng tamang landas at upang d rin tayo magsisi sa huli. b)DAMDAMIN- Nakaramdam ako ng pagkalungkot dahil sa sinapit ng tauhan sa kwento. Nalulungkot ako dahil sa sinapit ng tauhan sa kwento. Sapagkat sinapit niya ang karansang di maganda. Nakaramdam din ako ng kagalakan dahil ang lalaki ay nagsisi at iniwan ang gawaing masama. Aking naramdaman ang sobrang kasiyahan sapagkat sa halip na ipagpatuloy niya ang pagtahak sa maling landas ay bukas sa kanyang puso na ito ay pagsisihan matupad lamang ang hangarin ng kanyang magulang sa kanyang sarili V-TEORYANG GINAMIT REALISMO Dahil ang bawat kabataan ngayon sa edad na 15-16 ay marunong ng gawin ang mga bagay na magdudulot ng kasamaan sa kanya. At totoo din na ang magulang ay di nagkulang sa pagpapaalala kung ano ang nararapat at makakabuti sa kanyang anak kapag ito ay nasa tamang pag-iisip na.

Lunes, Hunyo 10, 2013

Sagot sa Suring-Basa # 1 Suring – Basa I. Pamagat, genre at awtor May Buhay sa Karagatan, Maikling Kuwento, Clemente Bautista II. Buod Nagalit ang ama at nasampal ang anak ng sabihin nito na ayaw na niyang mag-aral at gustong sumama na lang sa pangingisda. Naalala ng ama yung panahon na ganun din siya sa sarili niyang magulang dahil sa naakit siya sa tawag ng dagat, at hindi siya napigilan ng sariling magulang. Naging mangingisda siya at yun ang pinangbuhay niya sa kanyang pamilya. Bumalik sa dagat ang ama para mangisda, doon ipnakita ang lahat ng hirap na dinadanas sa trabahong yon. Lakas, pawis , pagod, pagtitiis ang puhunan. Sa huli, sinabi ng ina na kaya wala sa hapag ang anak at hindi makakasabay sa umagahan ay dahil sa napuyat sa pag-aaral noong nakaraang gabi. Natuwa na at nakahinga ng maluwag ang ama. (Hindi direktang sinabi ng awtor na nagbago ng isip ang anak mula sa pangarap na maging mangingisda kaysa ang pag-aaral, pahiwatig ang ginamit ng awtor para sabihin ito , tulog pa dahil napuyat sa pag-aaral kagabi ,pahiwatig din ang ginamit para sabihing natuwa o nasiyahan na ang ama sa wakas ng kuwento, nakahinga ng maluwag. III. Paksa Tungkol sa isang ama na ayaw maulit sa kanyang anak ang hindi pagtatapos ng pag-aaral dahil naniniwala na Edukasyon ang magbibigay ng mas matibay na bukas, base sa kanyang sariling karanasan sa buhay. IV. Bisa a. Isip Pangarap ng kahit sinong magulang na makapagtapos ng kurso ang anak, ayaw nilang maranasan ng kanilang anak ang hirap na dinadanas nila. Ang paghihigpit ng magulang sa anak ay para din sa kanyang magandang kinabukasan. Hindi masama ang pangingisda/ o iba pang trabaho na ginagamitan ng mas lakas kaysa utak/ edukasyon ngunit ang nakatapos ng pag-aaral ang magbibigay ng mas matibay na kinabukasan (base na rin sa sariling karanasan ng ama sa kuwento). May mga anak na dahil sa kahirapan sa buhay, pinipiling magtrabaho para makatulong sa magulang, magaling ang mga magulang na hindi pinapayagan ang anak bagkus itinutulak sa pag-aaral. Hindi lahat ng hilig ng anak lalo na at hindi tungkol sa pag-aaral ay dapat pagbigyan ng magulang. b. Damdamin Nakakalungkot para sa isang magulang na malamang walang interes ang anak sa pag-aaral. V. Teorya Realismo. Ang nangyari sa anak sa teksto, ang kawalan ng interes sa pag-aaral at kagustuhang kumita agad agad ng pera at huwag ng mag-aral ay totoong nangyayari pa rin sa maraming kabataan sa kasalukuyan dahil sa kahirapan. Kaya naman hindi nagkakaroon ng mas matibay na bukas ang maraming kabataan.

Martes, Hunyo 4, 2013

Paano Gumawa ng Suring-Basa

Suring- Basa Pagsusuri o rebyu ng binasang teksto. Ang teksto ay puwedeng maikling kuwento, tula, sanaysay o iba pang genre/uri ng panitikan. Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content), kahalagahan (importance), puwede ding isama ang estilo ng awtor o may-akda (author’s writing style ). Para maisagawa ito, puwedeng gumamit ng isang balangkas o format ng suring- basa tulad ng mga sumusunod: I. Pamagat, may-akda, genre,II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela),III. Paksa IV. Bisa (sa isip, sa damdamin) V. Mensahe VI. Teoryang Ginamit Ang buod ay puwedeng sabihin sa lima-anim na mahahalagang pangungusap (lalo na kung maikling kuwento). Matapos basahin ang teksto, isa-isahing balikan ang mahahalagang pangyayari, pagdugtung-dugtungin ito at mabubuo ang buod. Kung pelikula o kaya naman maikling kuwento, magsimula sa pangunahing tauhan at sabihin ang mahahalagang nangyari sa kanya mula simula hanggang wakas at mabubuo ang buod. Paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa? Bisa at tumutukoy sa effect o epekto ng teksto sa mambabasa o pwede ding sagutin ang tanong na how does the text affect the reader? (effect and how does it affect the reader) Ang una ay tumutukoy sa impluwensya ng teksto sa mambasbasa ang pangalawa ay paano natigatig ang damdamin at isip ng mambabasa. Bisa sa isip ay tumutukoy sa kung paano naimpluwensyahan ang pag-iisip/utak/ o paraan ng pag-iisip ng mambasasa , bias sa damdamin ay kung ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon ng mambabasa. Mensahe ay maaaring iba-iba depende sa paradigm ng mambabasa, tumutkoy ito sa kung ano ba ang gusting sabihin ng teksto sa mambabasa, o maaari ding gusting sabihin ng author o sumulat ng teksto, di nga ba authors implyand readers infer? Nagpapahiwatig ang author at hinihinuha naman ng mambabasa ang pahiwatig ng author. Mas madaling makukuha ang mensahe ng author kung ang mambabasa ay may malalim na pag-unawa sa literatura, ngunit kung may nakita pang ibang mensahe ang mambabasa, ok lang yun kasi depende nga sa kanya-kanyang paradigm ng tao, pero kadalasan may eksakto talagang mensahe na gusting iparating ang author sa kanyang tekstong isinulat, minsan kailangan talaga ng galling sa pagbabasa at paghihinuha para makuha ito, kung hindi naman makuha ng mga mag-aaral, isama na lang guro kapag nag- facilitate na siya. Madaming teoryang pampanitikan, minsan ang isang teksto gumagamit ng higit sa isa, ang mahalaga ay ang higit na mas lutang . Iyon ang hanapin. Halimbawa kung mas bingyang diin ang tungkol sa pagiging marangal ng tauhan, humanismo. Naturalismo kung pinahahatid ng author sa pamamagitan ng mga pangyayari sa buhay ng tauhan na ang kapalaran ay bunga ng kultura at heredity at hindi sa pamamagitan ng kanyang sariling pagpili o will. Eksistensyalismo kung ipinakita at mas lumutang na ang naganap sa buhay ng tauhan, mga pangyayari ay bunga ng kanyang sariling pagpili dahil naniniwala siya na ang isa dahilan ng existence ng tao sa mundo at hubugin ang sarili niyang kapalaran whatever it takes. Mahalagang makapagbigay ng maraming halimbawa ang guro para mas malawak ang scope ng pagtalakay. Kapag naibigay na ang format na ito, maaari nang gamitin sa loob ng isang taon. Puwede ding gumamit ng iba pang format depende sa estilo ng guro basta ang mahalaga mahimay ang content, importance ng teksto at, estilo ng author sa pagsulat. Sa teoryang ginamit madalas nakikita din ang importance o value ng literature sa lipunan o society lalo na kung ang teksto ay nasulat sa isang mahalagang panahon n gating kasaysayan.

Lunes, Hunyo 3, 2013

Teacher’s Reflection The Powerful Teacher “I’ve come to a frightening conclusion that I am the decisive element in the classroom. It’s my personal approach that creates the climate. It’s my daily mood that makes the weather. As a teacher, I possess a tremendous power to make a child’s life miserable or joyous. I can be a tool of torture or an instrument of inspiration. I can humiliate or humor, hurt or heal. In all situations it is my response that decides whether a crisi will be escalated or de-escalated and a child humanized or de-humanized.” Haim Ginott If I were to begin my college course again, I would still choose to get into the same profession, Even if a lot of people see this job as burdensome, even if I myself can attest that this job does not pay a lot, I still see teaching as a fulfilling ,enjoyable and a noble profession. I have been in this profession for more than ten years now and until today, the concern for the society and the enthusiasm in nurturing the hearts and minds of the students have always been my motivation and I guess that’s one of the beauty of teaching profession. Every school year brings a new and different experience, I find inspiration from my students whenever I see them participate actively in my class, getting involved in different group activities I prepared, or even just listening attentively to a class lecture, or exerting effort to submit a nice project. What motivates me to prepare lessons for the next day is the fun and excitement as we go along the lesson. I take time to prepare my questions and activities, I choose those that will capture their interest and imagination so that they can talk a lot about the topic. At times I decide on activities that will touch their lives and personal experience so that they will start sharing about themselves. At the end of every day, though tired, Im thankful and felt so blessed for God led me to a profession that helps me achieve my life’s purpose, to be of service of today’s youth who will eventually become responsible adult citizens of this society, and with that ,I can conclude that teaching really is one if not the noblest profession ever. I believe that a teacher affects eternity, that I will never know how and until when my influence on each one of my student will last. I always make it a rule to myself to begin my day with prayers so that my work will not just end on the transmission of data and information but will involve imparting a most precious commodity, intangible yet affecting the very core of one’s being, the forming and training of soul in person whose minds and hearts have to conform to everlasting truth and undying love. On Wednesday, Feb 26, 2013 Tess P. Bacolcol

Martes, Mayo 21, 2013

2nd Digital Education Conference Teaching and Learning with Technology in the K to 12 Curriculum held at PNU, sponsored by Vibal Publishing in partnership with Apple, Microsoft, and Samsung.

2nd Digital Education Conference Teaching and Learning with Technology in the K to 12 Curriculum held at PNU, sponsored by Vibal Publishing in partnership with Apple, Microsoft, and Samsung. I remember this speaker in one of the seminars I attended in De La Salle University Dasmarinas, a Filipino citizen who became a Principal of a middle school somewhere in the States, he was discussing everything about K to 12 and how it was done in the States, like use of e-books, 1:1 ratio of laptop for every student, free lunch and snack, free school bus and the only thing the student has to do is go to school, because everything is free and paid by the government, that seminar was in 2012, K to 12 then was the topic of discussion in all graduate classes because by then it has not yet been approved and was still in the process of approval in the Senate. The curriculum was seen as beyond imagination by many because obviously, its gonna take a lot of money . Last week, K to 12 was finally signed by the President . Known as the RA 10533. Im lucky to be chosen by the Division Superintendent, Maam Elpi Bergado to attend the 2nd Digital Education Conference Teaching and Learning with Technology in the K to 12 Curriculum held at PNU, sponsored by Vibal Publishing in partnership with Apple, Microsoft, and Samsung. It was so surprising to know that mLearning, that’ s mobile learning, has already been adapted here in the Phillipines , and of course, private schools DLS Zobel and Greenhills are the pioneering schools. What is mLearning? I could not figure out exactly what the speaker in 2012 was trying to describe about K to 12 until I attended this seminar. mLearning in laymen’s term is maximizing the use of technology in education so that learning can happen anytime, anywhere. Android, atom, windows 8 mobile, your phone to google glass via blue tooth. These are the latest in mobile technology that education should take advantage of. SEAMEO INNOTECH ICT Specialist pointed out that 11 member countries are into mobile learning, Thailand has this project of 1tab/child, Indonesia and Malaysia since both are British colonies are into mlearning the way UK is doing it. In the Philippines, Text 2teach in 2003 was lauched, there were schools recepients of Nokia 3315, where they can download videos and other materials and view on tv screens offline. ENSCIEMA was also mentioned, 100 samsung galaxy tabs were given to some schools by Australia to be used by eng scie and math subjects. Vsmart of Vibal was introduced. It’s a total package of e-books with apps to run the program in an android or Samsung tab( using windows 8). How does it done? How does it run? How do they manage? Of course, there’s this installation of some kind of bunch of wirings for the internet, wi-fi connection and so on. The printed books are changed to e-books, the e- books are stored in your tab or android and can be accessed through the interne/wi-fi. The program will run with the use of some apps, student has to bring his tab/android in class, while seated on their own chairs, looking at the screen of their tab, student and teacher who is also looking at the tab can inter-act in class. The e-books contains inter-active activities, checks test automatically and automatically transmit the scores to the records of the teacher in her own tab. Of course there are other programs that can be used aside from that of vibal. Windows 8 corinth apps can be used by science and social studies teachers using Inter-active keyboard or simply through a tab. Apple Ipad has 300,000 apps and 20,000 apps are specifically for education. The topic that I liked much and I think would help me a lot is the social media in the classroom. Connected learning that promotes collaboration,production, experimentation .Use of fb, twitter, wikis and blogs for inter-active teaching, also the sites they gave that teachers can visit for more training and keep us adept to technology. apology for any grammar mistake di na na edit, also mga kulang na data, next time pag may time uli ako.